SEOUL (AFP) – Nagpakawala ng dalawang missile sa karagatan ang North Korea, at nangako kahapon ng “merciless” na pag-atake matapos simulan ng US at South Korea ang joint military drills na itinuring ng Pyongyang an isang matinding paghamon.

Ang pagpapasabog ay may kaakibat na mariing babala mula sa North Korean People’s Army (KPA) na ang mga military drill ngayong taon ay magbubunsod “towards the brink of war” sa peninsula.

Ipinagbabawal ng UN resolutions ang ballistic missile text ng North Korea, at sinabi ng ministry spokesman na si Kim Min-Seok na mistulang determinado ang Pyongyang na magsimula ng “security crisis.”
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists