WASHINGTON (AFP) – Target ngayon ng Amerika ang lalaking mula sa London na pinaniniwalaang si “Jihadi John”, isang Islamic State executioner, ayon sa isang senior Democratic senator.
Pinangalanan ng media ang London graduate na si Mohammed Emwazi, ang English-speaking na nagpugot sa may limang Westerner na bihag ng grupong IS sa Syria at Iraq.
Kinumpirma ng dating Senate Intelligence Committee chairperson na si Senator Dianne Feinstein na target ngayon ng Amerika si Emzawi. “Oh, yes. He’s a target.
There should be no question about that,” pagkumpirma ni Feistein.