Mahigit sa P70,000 halaga ng salapi at ari-arian ang tinangay ng mga salarin nang pasukin ng mga ito ay bahay ng isang Iranian habang nagsesiyesta sa kanyang bahay sa Mandaluyong City kamakalawa.

Sinabi ng biktimang si Sabermcghaddam Reza, 27, sa Mandaluyong City Police Station na nadiskubre niya na pinasok ang kanyang bahay sa Unit 6/F Hannesy 1, California Gardens Square sa DM Guevarra St., Barangay Highway Hills sa Mandaluyong dakong 1:00 noong Sabado ng hapon.

Nagising umano mula sa mahimbing napagkakatulog si Reza at sa kanyang pag-iikot sa bahay, napansin niya na ang lock ng main door ay sira na.

Sa puntong ito, nadiskubre ng biktima na nawawala na ang kanyang laptop na nagkakahalaga ng P20,000, Samsung Note 2 na nagkakahalga ng P10,000 at P40,000 cash.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maging ang kanyang BPI Express at ATM card ay nilimas din ng mga salarin.

Sa pagresponde ng mga imbestigador sa kanyang bahay, naghanap ang mga ito ng mga fingerprint na posibleng makatulong sa pagtukoy sa pagkakilanlan ng suspek. (RIZAL S. OBANIL)