Tiyak at patas na ang magiging kalakalan sa Marikina.
Wala nang malolokong mamimili at wala na ring mang-aabusong negosyante sa tulong ng Timbangan ng Bayan ng Department of Trade and Industry (DTI).
“Malaking tulong ang Timbangan ng Bayan project ng DTI sa pagsusulong sa patas na kalakalan sa Marikina. Dito, makatitiyak ang mga mamimili na wasto sa timbang ang mga produktong kanilang binili,” pahayag ni Dr. Ramonito Viliran, market administrator ng lungsod.
“Hinihikayat din natin ang mga residente na isuplong sa 646-1996 ang mga tindahang may madayang timbangan upang mapatawan ng karampatang parusa,” dagdag ni Dr. Viliran.