Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mananampalataya na hindi dapat na maging individualistic ang paraan ng pananalangin lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Tagle, hindi dapat kalimutan ng bawat mananampalataya na mahalaga ring ipinalangin ang pangangailangan ng kapwa at hindi lang ang pansariling pangangailangan ang ilapit sa Diyos.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang Kuwaresma ay panahon ng pananalangin at pagsasabuhay ng mabuting balita.

“Baka pati sa dasal individualistic? Wala na akong inilalapit sa Diyos kundi ang sarili ko. Hindi masama ‘yun kasi talagang kailangang lumapit sa Diyos, pero may puwang ba ang kapwa sa ating panalangin? Sa maghapong nagdadasal tayo, gaano ang espasyo ng pagdarasal natin para sa iba? Siguro kaya hindi tayo binibigyan ng pera ay hingi tayo nang hingi para sa sarili,” sinabi ni Tagle sa panayam ng Radio Veritas. “Magdasal ka kaya, para ‘yung mga walang pera magkapera, magkatrabaho. Baka kapag ganyan ang dasal mo, baka ikaw rin mabigyan. Baka ang prayer indifferent pa rin sa kapwa. Pati ang prayer na napakabanal individualistic pa rin?”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinimok rin ng cardinal ang lahat na iwaksi ang pagiging individualistic sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, tulad ng pakikiisa sa Alay Kapwa at Fast to Feed program ng Simbahan, gayundin sa pagkawanggawa para sa kalikasan.