SAN PASCUAL, Batangas – Isa ang nasawi sa drug raid ng mga operatiba ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) matapos umanong makasagupa ng awtoridad sa San Pascual, Batangas, kahapon.

Ayon sa inisyal na report ni Senior Supt. Omega Jireh Fidel, hindi pa nakikilala ang napatay sa engkuwentro.

Bandang 7:30 ng umaga at patungo ang grupo ng San Pascual Police, kasama ang mga taga-BPPO at Provincial Intelligence Branch sa farm at bahay ng isang Rommel Lopez nang may nagpaputok ng baril sa kanila hanggang magkaroon ang engkuwentro.

Narekober mula sa suspek ang .45 caliber pistol.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20