OPISYAL nang top-selling artist ng 2014 si Taylor Swift, subalit ayon sa isang industry group, maaaring dinaig siya ng Disney soundtrack na Frozen.

Ayon sa International Federation of the Phonographic Industry o IFPI, si Swift ang pinakasikat na recording artist sa buong mundo noong nakaraang taon, kung ibabase ito sa physical sales, downloads, at streaming.

Pinangunahan ni Swift ang US charts noong late 2014, at ayon pa sa grupo, kasama rin siya sa top five artists sa malalaking merkado tulad ng Germany, Japan, at Britain.

Subalit ayon sa IFPI, dinaig siya ng blockbuster soundtrack ng Disney film na Frozen. Ayon sa industry group na hindi nagbigay ng eksaktong sales figures, pinararangalan lamang nila ang mga individual artist.

National

Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Ang British boy band na One Direction naman, na nanguna sa listahan noong 2013, ay bumaba sa ikalawang puwesto ngayong taon, kasunod ang British singer-songwriter na si Ed Sheeran, at mga kilalang banda na Coldplay at AC/DC. Nasa ika-anim naman si Michael Jackson, na pumanaw noong 2009.

Ang album ni Swift na 1989 ay bumenta ng 1.2 million copies sa unang linggo nito sa United States, nalampasan ang dating may hawak ng record na album ni Eminem na The Eminem Show noong 2002, panahon na mas mataas ang music sales.

Pinangunahan ni Swift ang charts na ngayon ay kasama na ang streaming services, sa kabila ng kanyang sigalot laban sa Spotify. Binawi ni Swift ang kanyang mga kanta mula sa lumalaking Swedish streaming site, at nanawagan ng mas mataas na compensation para sa artists. - AFP