Natagpuan ng Pilipinas at France ang kanilang sarili na magkasama bunga ng dalawang insidente na makabuluhan sa buong mundo – ang super-typhoon Yolanda noong 2013 at ang Mamasapano massacre noong Enero.
Darating ngayon si Pangulong François Hollande ng France kaugnay ng paghahanda ng kanyang bansa para sa ika-21 taunang sesyon ng Conference of Parties (COP 21) sa 1992 United Nations Framework Convention on Climate Change. Ang pangunahing layunin ng komperensiya ay ang pababain ang greenhouse emissions upang limitahan ang pag-akyat ng pandaigdigang temperatura sa 2 degrees Celsius above pre-industrial levels. Hangad nitong matamo ang isang legally binding na universal agreement sa lahat ng bansa.
Noong sinalanta ng super-typhoon Yolanda ang Visayas noong Nobyembre 2013, tumama sa daigdig ang pinakamatinding epekto ng climate change. Ito ang pinakamalakas na unos na tumama sa lupa, na may 315 kph hanging malapit sa gitna, sa kaakibat nitong storm surge mahigit 6,193 ang patay, 1,061 ang nawawala magpahanggang ngayon. Tinatamaan ang Pilipinas ng may 20 malalakas na bagyo taun-taon, umaasa si Pangulong Hollande, sa kanyang pagbisita sa ating bansa, na mabibigyan ng mukha ang climate change.
Ang pagbisita ni Hollande ay malalagay sa liwanag ang isyu ng seguridad. Kamakailan lang, may mga gunman na nagpoprotesta sa paglalarawan ng satirical magazine na Charlie Hebdo kay propeta Mohammed ang sumugod sa tanggapan ng Paris magazine at pinatay ang editor nito pati ang karkaturista, at iba pang staff members. Ito ang nagdulot ng pagkakaisa ng mga leader ng maraming bansa sa Europe sa isang malawakang kilos-protesta.
Ang karahasan sa Mamasapano incident noong Enero 25 kung saan 44 police commando ang napatay, kasama ang 18 Moro Islamic Liberation Front fighter at pitong sibilyan, ay patuloy na pumupukaw sa atensiyon ng sambayanan magpahanggang ngayon. Tulad ng Charlie Hebdo killings sa Paris, ang Mamasapano killings ay may kaugnayan sa relihiyon at lahi kung kaya kinakatigan nila ang karahasan sa Middle East at North America ngayon.
Maraming pag-uusapan sina Pangulong Hollande at Pangulong Aquino sa susunod na dalawang araw. Kaisa tayo ng France sa iisang dedikasyon sa kalayaan, kapatiran, at pagkakapantay-pantay, ang pundasyon ng French Revolution noong 1789 pati na rin ng sarili nating Philippine Revolution noong 1896. Sa kasalukuyang misyon ni Pangulong Hollande sa paghahanda para sa climate change conference sa Paris sa Disyembre, sa layuning matamo ang mga reporma nang mapahupa ang climate change, makikita niya sa atin ang isang matibay at maalab na kakampi.