Mayroon ka bang sinimulan na proyekto na hindi mo natapos na natabunan na ng makapal na alikabok? Isang exercise or diet program na iyong inabandona kasama pati ang heavy equipment na kaakibat niyon? Isang hobby, halimbawa ang pagpipinta o cross-stitch na umuokupa ng espasyo sa inyong bahay sa loob ng maraming buwan? Mayroon kang musical instrument na tinalikuran mo na at hindi na natutuhang patugtugin? Website design na hindi na natapos? Nobelang sinimulang isulat ngunit naghintay na lamang ng susunod na kabanata?

Noon, mahilig akong magsimula ng isang bagay na hindi ko naman natatapos. Tulad na lamang ng nobelang “Nasaan Ka Na, Anak” na inilabas noon sa Balita. Sinimulan kong isulat iyon nang naglilihi pa lamang ako sa panganay ko. At sa ikaapat na buwan ng pagdadalantao ko kay Clint, inihinto ko na iyon at nangakong babalikan pagkapanganak ko. Nakatapos na ng high school si Clint at nasa elementarya na ang pangalawa kong anak na si Lorraine ay hindi ko na nabalikan ang pagsusulat ng “Nasaan…” Inagiw na sa ilalim ng aming hagdan ang manuscript ng nasabing nobela. Nang matuto akong gumamit ng computer, nabuhay ang interes ko sa pagsusulat. Ipinagpatuloy ko ang “Nasaan…” Sa paghakbang ng panahon, natutuhan ko ring tapusin ang aking nasimulan.

  • Magpasya kung ang sisimulan mo ay bigla lang naisip. – Minsan, biglang dumarating sa iyo ang isang magandang idea para pagkaabalahan. Siguro naisip mong matutong magpatugtog ng gitara o piano, mag-aral ng Niponggo, gumawa ng obra maestra… Maaaring ang interes mo ay bunga lamang ng isang bagay na iyong nabasa o napanood sa pelikula o nakahiligan ng iyong kaibigan.
  • Bago ka magwala sa bookstore upang bigyan ka ng tone-toneladang libro upang pag-aralan ang bagay na pinagkainteresan mo, at bago ka magbayad ng libu-libo sa music school, at italaga ang lahat ng Sabado at Linggo ng kalendaryo para roon, alamin mo muna kung ang interes mo ay dumaraan lang at maglalaho kalaunan. Kung gaano man katindi ang hilig mo ngayon, maghintay ka muna ng ilang linggo. Minsan, ang isang idea na parang napakaganda sa oras na iyon ay hindi tumatagal.

    National

    Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

    Sundan bukas.