Pinagtibay ng Korte Suprema ang dismissal na ipinataw ng Philippine Military Academy (PMA) laban sa dati nitong kadete na si Aldrin Cudia.

Sa naging desisyon ng Korte Suprema, na isinulat ni Associate Justice Diosdado Peralta, ibinasura nito ang petition for certiorari na inihain ni Cudia.

Batay sa summary ng desisyon na inilabas ng SC-PIO, tinukoy na walang naging paglabag ang PMA sa right to due process ni Cudia nang ipatupad ng akademya ang rules on discipline at Honor Code ng PMA.

Nabigyan din umano si Cudia ng sapat na pagkakataon para ilahad ang kanyang depensa at magharap ng testigo at ebidensiya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang sa pamamagitan ng Public Attorneys Office (PAO) ay hiniling ni Cudia sa Korte Suprema na iutos ang pagsama ng kanyang pangalan sa listahan ng mga graduate ng PMA Siklab Diwa Class of 2014 at ibigay sa kanya ang parangal na nararapat sa kanya.