STEPHENVILLE, Texas (AP) – Isang dating US Marine ang hinatulan kahapon sa pagkamatay ng awtor ng “American Sniper” na si Chris Kyle at sa pagpaslang sa isa paz sa isang shooting range sa Texas dalawang taon na ang nakalilipas, matapos tanggihan ng mga juror ang argumento ng depensa na dumaranas ng psychosis ang suspek.

Kontrobersiyal ang paglilitis kay Eddie Ray Routh, dahil na rin marahil sa pumatok sa takilya ang Oscar-nominated na pelikulang pinagbidahan ni Bradley Cooper, batay sa memoir ng dating Navy SEAL member na si Kyle tungkol sa digmaan sa Iraq.

Hinatulan ang 27-anyos na si Routh ng habambuhay na pagkabilanggo nang walang parole sa pagkamatay ni Kyle at ng kaibigan ng huli na si Chad Littlefield.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists