CAMP PRESIDENT QUIRINO, Ilocos Sur – Isang pribadong minero ang namatay makaraang masapol ng mga shrapnel mula sa biglang sumabog na dinamita sa minahan sa Barangay Patiacan sa Quirino, Ilocos Sur.

Kinumpirma kahapon ni Supt. Leland Benigno, tagapagsalita ng Ilocos Sur Police Provincial Office, ang pagkamatay ni Jerome Bagitay, 46, residente sa lugar.

Sinabi ni Benigno na binawian ng buhay si Bagitay bago pa man makarating sa ospital.

Aniya, base sa natanggap niyang report, na nangyari ang pagsabog habang nagmimina sa lugar.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20