Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Baguio City kahapon ng umaga.

Sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na tumama ang lindol sa layong 13 kilometro timog-silangan ng lungsod, dakong 7:14 ng umaga.

Ang lindol na tectonic ay lumikha ng lalim na 13 kilometro.

Naitala ang intensity 4 sa Baguio City at La Trinidad sa Benguet, intensity 3 sa Itogon, Benguet, intensity 2 sa Dagupan City, Pangasinan at intensity 1 naman sa Palayan City, Nueva Ecija.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naiulat na nag-panic ang mga estudyante sa isang unibersidad sa Baguio, gayundin sa Baguio City National High School.