DALLAS (AP)– Ipinakita ni Amare Stoudemire na kaya niyang tulungan ang Dallas sa kanyang debut para sa Mavericks.

Umiskor ang 32-anyos na si Stoudemire ng 14 puntos sa kanyang 11 minutong paglalaro bilang center at back-up ni Tyson Chandler upang tulungan ang Mavericks patungo sa 92-81 panalo laban sa Charlotte Hornets kahapon.

Ang six-time All-Star ay binati ng isang standing ovation nang siya ay ipasok sa second quarter. Pumirma siya sa Dallas noong All-Star break matapos ang buyout ng kanyang kontrata sa New York Knicks.

‘’We’ve got all the right personnel, a great coaching staff,’’ sabi ni Stoudemire, na nag-average ng 12 puntos at 24 minuto kada laro ngayong season para sa Knicks. ‘’Tonight, I kept it simple and played my game.’’

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang lahat ng limang field-goal attempts ni Stoudemire ay nangyari ilang talampakan mula sa basket, kabilang ang baseline dunk at isang alley-oop finish.

Pinangunahan ni Monta Ellis ang Dallas sa kanyang 23 puntos. Labinlima rito ang nanggaling sa huling 7 minuto, ang kanyang anim na field goals ang nagsindi sa 15-2 spurt ng Mavericks matapos makalapit ng Hornets sa 75-68.

‘’He’s our closer,’’ sabi ni Dirk Nowitzki tungkol kay Ellis. ‘’We definitely needed something.’’

Nanguna si Mo Williams sa Charlotte para sa scoring sa ikalawang pagkakataon mula nang makuha mula sa Minnesota noong Pebrero 10. Siya ay nagtala ng 22 puntos noong Linggo makaraang makakuha ng 28 laban sa Oklahoma City noong Sabado.

Sina Michael Kidd-Gilchrist at Marvin Williams ay kapwa nagdagdag ng 15 puntos para sa Charlotte.

Ito ang ikalimang sunod na pagkatalo ng Hornets at nalaglag sa ninth place sa Eastern Conference.

‘’Tonight, we lacked - it was a readiness to start the game,’’ saad ni Hornets coach Steve Clifford. ‘’We have to play with a discipline, a defensive disposition and rebounding disposition that right now is coming and going.’’

Resulta ng ibang laro:

Cleveland 101, New York 83

Detroit 106, Washington 89

Atlanta 97, Milwaukee 86

Indiana 104, Golden State 98

Orlando 103, Philadelphia 98

Oklahoma City 119, Denver 94

Memphis 98, Portland 92

LA Lakers 118, Boston 111 (OT)