Binalewala nina Italian Domenico Passuello at British Emma Pooley ang sikat ng araw kung saan ay nakipagpambuno sila sa ‘di inaasahan at challenging obstacles sa ikalawang edisyon ng Yellow Cab Challenge Philippine Subic-Bataan noong nakaraang Sabado.

Napasakamay ng Italian athlete ang kanyang unang Yellow Cab Challenge Philippines title sa Pro Men field kung saan ay naorasan ito ng 4:04:22, habang tinangay ng kanyang female counterpart ang Pro Women field championship nang maiposte nito ang oras na 4:41:51.

“[The race was] really tough and the course was really really hot and windy… but there are a lot of trees and a lot of station [where you can always refresh],” pahayag ni Passuello, ang first-time racer sa Pilipinas.

Tumapos ng ilang minuto lamang sa likuran ng bagong titleholder si Danish Rasmus Petraeus na naorasan ng 4:09:04. Ungos pa ang two-time Challenge Phuket champion sa kaagahan ng karera ngunit iniwanan din siya ni Passuello sa kalagitnaan sa pamamagitan ng bike course.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

“Rasmus was too strong today until the half of the bike so I was pretty scared about [that] but I knew I can beat him on the run. I didn’t know about my gap when I change here in transition (from biking to running) so I pushed a lot in the first 10km run,” saad ni Passuello na planong sumabak uli sa susunod na Challenge race sa bansa.

Bagamat ‘di kumbinsido sa kanyang performance sa swimming, sinabi ni Pooley na sadyang nasiyahan siya sa naggagandahang corals at sa dalawang makasaysayang na nasa Subic Bay. Nakuha niya ang control sa pamamagitan ng bisikleta na kanyang kinukonsidera na pinakamalakas na tagpo sa karera.

“It was tough but [it’s a] beautiful course. I came back to try and win and I really had a good day!” ayon kay Pooley na naisakatuparan ang pagbabalik matapos ang third place finish noong nakaraang taon. Iniaalay ng bagong titleholder at dating Olympic silver medalist ang kanyang panalo sa volunteers na sumuporta sa kanya sa kasagsagan ng nasabing karera.

Ang third place sa men’s pro category ay si Australian Mitch Robbins na naorasan ng 4:13:11, habang tumapos na nasa ikaapat si Swedish Fredrik Croenberg na may record na 4:14:11. Bumagsak ang nakaraang taong second place na si Australian Michael Murphy sa ikalima na nagtala ng oras na 4:33:13.

Napasama sa Top 10 sina American Brian Fleischmann (4:38:58), German Till Schramm (4:41:42), Spanish Eneko Elosegui (4:43:28), Australian Eric Watson (4:51:56), at Hong Kong Ivan Lo (4:55:46).

Kinubra naman ni American Kelly Williamson ang second place sa Pro Women field na may oras na 4:52:14. Nasa kanyang likuran sina British Parys Edwards (4:53:19), Thai Carole Fuchs (5:20:49), German Katja Rabe (5:24:40), at Swedish Louise Rundqvist (5:26:18).

Binaybay ng mga atleta ang 1.9km swim, 90km bike, at 21km run race course na sinasabing matindi at well-organized. Lumangoy ang mga racer sa pristine waters ng Subic Bay, tumahak sa bulubundukin ng Bataan course, at tumakbo sa kahabaan ng scenic at peaceful canopy forest.

Ibinulsa ng mga kampeon sa Men at Women Pro field ang 5,000 euros (P250,000).

Ang karera sa taon na ito ay kinabilangan ng kabuuang 700 athletes mula sa iba’t ibang bansa, kasama na ang notable triathlon personalities locally at internationally. Ipalalabas ang karera sa halos 82 global markets na magpapakita na ang Pilipinas ay isa sa pinaka-in-demand lifestyle at sporting destination.

Para sa karagdagang detalye, bumisita sa Yellow Cab Challenge Philippines website sa http://challengephilippines.com.ph.

and being committed to its continued growth. For further information on Challenge Family visit www.challenge-family.com.