CABANATUAN CITY - Dahil sa matinding problema sa right-of-way (ROW), kinansela na ng National Irrigation Administration (NIA) ang P10-milyon irrigation project sa Dingalan, Aurora.

Ayon kay Angelito Miguel, manager ng NIA-Bulacan, Nueva Ecija (BANE) Division, ini-realign nila ang budget para sa Umiray irrigation project kahit na nga nai-award pa ito sa contractor na nanalo sa bidding.

Nabigo ang proyekto makaraang hindi makasundo sa ROW si Atty. Romeo Roxas, ang may-ari ng lupa na saklaw ng konstruksiyon para sa proyekto.

Sinabi pa ni Miguel na ang inaasahan pa namang sa pamamagitan ng proyekto ay mapagkakalooban ng irigasyon ang may 100-ektaryang bukirin at makikinabang dito ang mahigit 50 magsasaka.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras