SANTA CLARA, Calif. (AP) - Sinaksak ng isang university student sa lalamunan ang natutulog niyang roommate, hiniwa ang noo at hinabol upang ipagpatuloy ang pag-atake nang makatakbo palayo ang biktima mula sa kanilang tinutuluyang unibersidad sa Northern California, ayon sa prosecutor.

Sinugatan ni Dillion Sang Kim, 19, ang kanyang sarili bago siya inaresto; makikita sa kanyang mug shot ang tinahing hiwa ng kutsilyo sa kanyang leeg. Ang 19-anyos niyang roommate ay kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital.

Kinasuhan ng attempted murder si Kim noong Huwebes, at hindi siya umapela sa korte, ayon sa ulat ng The San Jose Mercury News.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary