Kung totoo ang balitang maging si ex-Tarlac Rep. Jose “Peping” Cojuangco Jr. ay nais na ring bumaba sa puwesto si PNoy, maliwanag na palatandaang wala nang tiwala maging ang kanyang kamag-anak sa kanya. Gigil din si ex-Tarlac Gov. Tingting Cojuangco dahil sa pagkamatay ng 44 kasapi ng PNP Special Action (SAF), na ang pitong officer ay pawang mga graduate sa Philippine National Police Academy (PNPA) na siya ang pangulo sa maraming taon.

Gayunman, kontra ang malaking sektor ng mamamayan dahil kapag nag-resign si PNoy, tiyak na si Vice Pres. Jejomar Binay ang uupo sa trono na nahaharap sa corruption charges. Baka raw pakawalan agad ang tatlo niyang alyado - sina Tanda, Pogi at Seksi - na ngayon ay nakakulong dahil sa pork barrel scam kasabuwat umano si Reyna Janet Lim-Napoles.

Si Peping ay kabilang sa tinatawag na National Transition Council (NTC) kasama sina ex-National Security Adviser Norberto Gonzales, mga obispo at iba pang grupo. Nilinaw ng tiyo ni PNoy na hindi lang ang kanyang pamangkin ang nais niyang bumaba kundi maging si Binay at mga opisyal ng administrasyon. Ang gusto niya at ng NTC ay “major changes” sa liderato ng administrasyon.

Marami ang nagsasabi, kabilang ang kaibigan kong palabiro at sarkastiko, na parang suntok sa buwan ang proposal na ito ng NTC at mga kritiko ng binatang Pangulo. Itinanggi ng dalawang alyado ni ex-Pres. Gloria Macapagal – sina Gonzales at Lipa City Archbishop Ramon Arguelles - na hangad nilang makudeta si PNoy. Hindi sila naniniwala sa kudeta dahil hindi ito nagtatagumpay. Gusto lang nilang umalis na sa puwesto si PNoy dahil mahina ito sa pangangasiwa, na ang pinakahuli ay ang pagkamatay ng SAF 44.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

 Noong Miyerkules ay Ash Wednesday, simula ng 40-araw na Lenten Season. Ibig sabihin, ang tao ay mula sa alabok at sa alabok din babalik. Pansamantala lang ang pamamalagi natin sa mundong ito kaya sundin natin ang kautusan ng Diyos at maging mabuting kapwa.