Dalawang babae ang magkasunod na binaril sa ulo ng mga hindi kilalang suspek sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), unang pinaslang si Marilou De Asis, 14, ng No. 24 Blk. 1 Aplaya, Port Area, Maynila na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo, na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Ayon kay PO3 Bernardo Cayabyab, dakong 9:15 kamakalawa ng gabi nang barilin ng suspek ang biktima sa isang eskinita sa Dubai St., sa Port Area.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung posibleng may kinalaman sa illegal na droga ang motibo ng krimen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inamin naman sa pulisya ng ama ng biktima na si Rolando Pana na napabayaan nilang mag-asawa ang biktima dahil sa sobrang katigasan ng ulo kaya napabarkada ito sa mga batang sumisinghot ng solvent.

Sumunod namang binaril sa ulo ng di kilalang suspek  ang isa pang  babae na  nasa edad 30-35-anyos, 5’2,” ang taas, nakasuot ng berdeng T-shirt, asul na short at asul na sandals.

Naganap ang krimen dakong 12:50 ng madaling araw ng Sabado sa  Infanta Bridge, sa Velasquez Street, sa Tondo.

Ayon kay isang Tony Francisco, nag-iinuman silang magkakaibigan nang makarinig sila ng putok at nang puntahan ay nakita nila ang biktima na nakahandusay.