BANGKOK (AFP) – Pormal nang kinasuhan kahapon ang dating Thai premier na si Yingluck Shinawatra sa pagkakasangkot sa maanomalyang rice subsidy scheme.
Ikinokonsidera rin ng junta-stacked government ng Thailand ang pagsasampa ng civil suit laban sa unang babaeng prime minister ng bansa upang humingi ng $18 billion bilang kabayaran sa mga naapektuhan sa scheme na isinulong ng kanyang gobyerno.
Nangyari ang insidente matapos mapatalsik si Yingluck, kapatid ng dating premier na si Thaksin Shinawatra.