Muling magtutulungan ang Commission on Elections (Comelec) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa pagdaraos ng isang malinis, tapat at may kredibilidad na halalang pampanguluhan sa 2016.

Ito’y matapos aprubahan ng Comelec ang petisyon ng PPCRV na maging citizen’s arm nito sa presidential elections.

Batay sa walong pahinang desisyon, sinabi ng Comelec na pinagbasehan nito sa pagpapasya ang naging performance ng PPCRV sa mga nakalipas na halalan mula 1992.
Eleksyon

EcoWaste Coalition, sa mga kandidatong nawawala pagkatapos ng eleksyon: ‘The least they can do is clean it up’