LA PAZ, Tarlac - Ginagawang hanapbuhay ng ilang durugista ang pagbebenta ng ilegal na droga na nasawata naman ng mga alertong operatiba ng La Paz Police sa Purok 7, Barangay San Isidro, La Paz, noong Sabado ng umaga.

Sa ulat kay Chief Insp. Rey Apolonio, hepe ng La Paz Police, naaresto sa buy-bust sina Marivic Emas, 50; at Renato De Guzman, 66, kapwa residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska mula kay Emas ang isang sachet na may 0.055 gramo ng hinihinalang shabu, kapalit ng apat na pirasong P100 marked money.

Bukod dito, nasamsam din kay Emas ang isa pang sachet na may 0.115 gramo ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20