Mapalad ang kababaihan dahil mainam ang situwasyon nila sa ating bansa. Kamakailan nga ay muling napatunayan ng Pilipinas ang pagkilala nito sa kahalagahan ng papel ng kababaihan sa isang lipunan. Ayon sa inilabas na ulat ng Bureau for Employer’s Activities ng International Labor Organization, nangunguna ang Pilipinas sa buong Asia sa bilang ng kababaihan sa senior at middle management positions sa mga kumpanya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may international organization na nagpatunay sa pagkilala ng Pilipinas sa mahalagang kontribusyon ng kababaihan sa pambansang kaunlaran. Ayon din sa naging resulta ng pag-aaral ng World Economic Forum sa kanilang Global Gender Gap Report noong 2010, lumalabas na pang siyam ang Pilipinas sa 134 na bansa sa buong mundo na nagbibigay ng pantay na yaman at oportunidad sa kababaihan.

Dito nga sa ating bansa, tinatayang may halos 48.5 milyong kababaihan. Halos kalahati ng bilang na ito ay naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya at mas mataas pa nga ang antas ng unemployment rate sa kalalakihan sa bansa. Ayon din sa datos ng PSA o Philippine Statistics Authoirty, mas mataas pa ang average annual income ng isang babaeng ulo ng pamilya kaysa sa mga kalalakihan. Ayon din sa PSA, mas mataas ang functional at basic literacy rate ng mga kababaihan sa Pilipinas at mas marami ring bilang ng kababaihan kaysa kalalakihan ang enrolled sa kolehiyo maging sa technical vocational education and training o TVET.

Bagamat nangunguna ang Pilipinas sa pagkilala sa pantay na karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan, isa pa ring hamon ang patuloy na edukasyon ng bawat Pilipino ukol sa tunay na pagsasakapangyarihan sa mga kababaihan. Ayon mismo sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas, mahalagang matuto tayo sa kababaihan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ayon naman kay Saint John Paul II, “Bahagi ng pang-araw araw na kabayanihan ng mga babae ay ang kanilang katapangan na mag-alay ng kanilang buong sarili sa kanilang pamilya, sa paghihirap sa panganganak at sa pagiging handa na gawin ang kahit anong sakripisyo, para lamang mabigay sa kanilang pamilya ang pinakamaganda at pinakamabuti.”

Patuloy nga sana nating itaguyod ang karapatan ng kababaihan. Patuloy din sana tayo na maging mga dakilang alagad ni Santa Maria, Ina ng Diyos. Mahalin at igalang natin ang ating mga kapatid na babae, mahalin natin ang ating mga ina.