KARANGALAN ULI ● Pinarangalan ng Department of Agriculture (DA) ang Albay bilang Oustanding Province sa Bicol sa ilalim ng 2014 Gawad Saka Agri-Pinoy Rice Achievers’ Award (APRAA), para kilalanin ang 93.7% na rice sufficiency ng lalawigan. Ikalawang parangal ito ng Albay matapos kilalanin din ito noong 2014 sa pagtamo ng 92.83% rice sufficiency. Sumulong ng halos 50% ang produksiyon ng bigas ng lalawigan sa nakaraang pitong taon – 228,080 metric tons nitong 2014 mula 147,900 metric tons noong 2007.
Hinakot ng Albay ang 18 sa 35 na karangalang ipinagkaloob ng 2014 APRAA Awards sa Naga City kamakailan, pangunahin sa mga karangalang Outstanding Province Award. Ang bayan nito ng Polangui ay pumasok din sa DA Hall of Fame dahil sa pagiging palagiang Outstanding LGU sa nakaraang tatlong taon.
***
MAS MALAKING TARGET ● Pinamatnugutan ni DA Secretary Proceso Alcala ang kina Albay Gov. Joey Salceda at iba pang LGU officials, Agricultural Extension Workers (AEWs) at farm technicians sa naturang Agri and Fishery Stakeholders’ Summit and Agricultural Extension Workers’ Congress. Ayon kay Salceda, layunin nila ang matamo ang 100% rice sufficiency sa 2016. Bukod sa palay, kinikilala rin ang Albay bilang pangalawang may pinakamalaking ani ng kamote sa bansa at sinisikap na maging “geonet capital” ng mundo. Pinasinayahan din ni Alcala kamakailan ang P16-million Rice Processing Complex ng DA sa Barangay Balinad ng Polangui. Pinakamalaki ito sa Kabikulan at inaasahang makakatulong para lalong mapasulong ang rice self sufficiency sa rehiyon.
***
KAPURI-PURI ● Sa ginanap na APRAA Awards, pinuri ni Alcala ang pamumuno ni Salceda tungo sa rice self sufficiency ng kanyang lalawigan, bukod pa mga research programs nito. Pinarangalan din ni Alcala ang 15 AEW na sina Meden Pastor, Eduardo Macasaet, Sholenor Bongapat, Corazon Ginete, Jonel Llagas, Lettuce Quian-Polangui, Jennifer Dajac, Prescilla Ferrer, Edelmira Buena, Elsie Frial-Oas, Nilo Elatico, Rosalinda Belodo-PAS. Alfredo Mariscotes jr. at dalawang local farmer technicians na sinaEdgar Pesebre at Rodolfo Tuanqui. May mga bagong proyektong ilulunsad ang Albay para pasulungin lalo ang agrikultura nito, kasama ang Rehabilitasyon/Improvement ng High Value Crops (HVCC) Training Center sa Tabaco City na may laang P30 milyong budget.