Panahon pa nina Andres Bonifacio at Pangulong Emilio Aguinaldo ay umiiral na ang mga paksiyon, intrigahan at di-pagkakaisa. Ganito rin yata ang nangyayari ngayon sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines kung pagbabatayan ang testimonya ni ex-PNP SAF commander Director Getulio Napeñas sa Senate hearing tungkol sa Mamasapano operations na ikinamatay ng 44 miyembro ng SAF noong Enero 25.

Sinisi ni Napeñas ang AFP sa pagkamatay ng 44 elite police officer sa panahon ng operasyon upang mahuli sina bomb expert Zulkfifli bin Hir, alyas Marwan, at local terrorist Abdul Basit Usman dahil sa hindi pagdating ng reinforcement na kanilang hiningi. Konti lang daw sana ang namatay kung may tulong. Hayagang ipinagtapat ni Napeñas sa harap ng mga senador sa pangunguna ni Sen. Grace Poe na marami silang operasyon ang hindi nagtagumpay kapag ipinaalam nila sa military at local officials. Samakatwid, nagkakaroon ng leak kung kaya nakatatakas sina Marwan at Usman.

Lumilitaw na may namagitang kawalang-tiwala sa PNP at AFP. Sabi nga ni Napenas, 9 sa 10 operasyong inilunsad nila laban kay Marwan at iba pang terorista ay nabubulilyaso dahil ipinaalam nila ito sa AFP at local officials. Bakit, may mole ba ang MILF at BIFF sa AFP? Kung kayo’y mapagmasid at mapanuri, tingnang mabuti ang pagkakahawig nina PNoy at Purisima sa pagngiti o pagtawa batay sa videos sa TV o mga larawan sa pahayagan. Para bang ang ngiti nila ay pigil na pagbungisngis.

Kapag ang dating magkakasama sa reportorial beat ay muling nagkita sa isang reunion, tiyak malulutong ang halakhakan, sagana sa biruan. Nangyari ito kamakailan nang mag-host si Ms. Jessica Soho ng GMA-Channel 7 sa isang resto sa QC bilang parangal kay retired police General Cris Maralit na nagbalikbayan. Naroroon sina Tony Seva, ex-VP ng GMA; Alex Allan ng Daily Express; Ben Cal ng PNA, Bert de Guzman ng Balita. Ang iba pang medyo huli sa coverage sa DND kumpara sa apat na gurang, este seniors, ay sina Bing Formento ng DZRH, Rene Sta. Cruz ng DZBB, Manny Mogato ng Reuters, Marielle Gaceta ng Channel 4, Joel Gaborni ng ManilaTimes, Martin Marfil ng Inquirer, Frank Tuyay ng Manila Standard Today, at iba pa.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso