Batangas—Inaasahan nang magiging anim ang distrito sa lalawigan dahil sa nalalapit na pag-apruba sa pagiging lone district ng mga lungsod ng Lipa at Batangas.

Noong Miyerkules (Pebrero 11) inaprubahan ng Committee on Local Government ng Senado ang aplikasyon ng pagiging lone district ng dalawang lungsod na inisponsoran ni 2nd district Representative Raneo Abu kung saan kabilang ang Batangas City.

Ayon kay Tito Aguirre, tagapagsalita ni Abu, inamyendahan sa committee hearing sa Senado ang naunang resolusyon at isinama ang Lipa City na nasa ikaapat na distrito.

Sinuportahan ni Lipa City Mayor Meynardo A. Sabili at department heads ang resolusyon gayundin ang pamunuan ng Sangguniang Panlalawigan ( SP) na pinangunahan ni Vice Governor Mark Leviste at board members.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Pasado rin sa NSO ang populasyon ng mga lungsod para maging distrito.

Kapag naaprubahan sa plenaryo ng Senado, uusad ito sa Malacañang at magiging distrito na ang dalawang lungsod sa oras na nilagdaan ito ng Pangulo.

Sinabi ni Aguirre na kasama na sa paghahanda ng mga political party ang posisyon ng kinatawan sa dalawang distrito para sa eleksiyon 2016 dahil inaasahang maaaprubahan ang resolusyon ngayong 2015.