Sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Abril ang pagtatayo ng 880 lineal meters sa Senator Gil Puyat Avenue/Makati Avenue – Paseo de Roxas Vehicle Underpass Project.

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson, ang nasabing proyekto ay magsisimula pagkatapos makumpleto ang pre-construction activities sa Marso.

“As early as now, I appeal for the understanding of the motorists and commuters on any inconvenience the project may cause as I have directed the contractor to maximize project time schedule. The Department is also coordinating with the MMDA and the Makati officials for the traffic management within the vicinity,” pahayag ni Singson.

Ang proyekto ay inaprubahan ng Pangulong Benigno Aquino III at NEDA Board, na naglalayong matugunan ang pagsisikip ng trapiko sa loob ng Makati Central Business District at sa nakapalibot na lugar.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Tinatayang nasa P1.27 billion halaga ang underpass na 22 buwan ang konstruksyon na inaasahang magbibigay ng maayos na daloy ng trapiko sa Sen. Gil Puyat Avenue na babaybay sa Makati Ave. at Paseo de Roxas Ave. sa Enero 2017.

Ang proyekto ay kinabibilangan ng pagtatayo ng apat (4) na lane, (2-3.5 metro bawat direksyon) na maghahati sa mga sasakyang dadaan sa underpass sa inner most lanes ng Sen. Gil Puyat Avenue na dumadaan sa intersection ng Makati Avenue at Paseo de Roxas kabilang ang isang sakop na bahagi ng lagusan ng may 570 metro.