CHARLOTTE, N.C. (AP)- Maaaring ang Detroit Pistons ay 11 games under .500, ngunit sinimulan na nilang isipin ang hinggil sa postseason, sinasabing may posibilidad na katotohanan sa kanilang paglalaro sa Eastern Conference.
‘’We’re in the hunt right now,’’ pahayag ni forward Greg Monroe. ‘’We’re jockeying for position. There are a lot of games left but these are the games with people right in front of us that mean a lot. Every game we have to come knowing that we are jockeying for position.’’
Nagsalansan si Monroe ng 23 puntos at 12 rebounds, nag-ambag si D.J. Augustin ng 18 puntos upang ipagkaloob ng Detroit sa Charlotte Hornets ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo, 106-78, kahapon.
Taglay ng Pistons ang 16-9 matapos ang huling 25 mga laro.
Dinominahan ni Monroe, naitala ang 14 double-doubles noong Enero upang ipatas ang franchise record, ang loob at ang drive nang ang Pistons (21-32) ay nagtatag ng 23-point lead sa pagtatapos ng third quarter at mula noon ay ‘di na lumingon pa.
Naitala ni Monroe ang ‘di kukulangin sa 20 puntos at 10 rebounds ng 48 beses simula pa noong 2011-12 season, ang pinakamarami ay ang 20-10 games sa Eastern Conference sa nasabing mga taon. Nagposte si Andre Drummond ng 14 puntos at 9 rebounds kung saan ay na-outrebounded ng Pistons ang Hornets, 48-38.
Ang ginawang game plan ni Pistons coach Stan Van Gundy ay ang pagtakpan ang mabagal na pagposte at kontrolin si Jefferson at isagawang talunin sila ng Hornets mula sa labas.
Lumabas naman iyon sa kaagahan matapos ang kanilang estratihiya nang ikasa ng Hornets ang 8 sa kanilang 11 3-pointers sa first half. Inasinta ni rookie P.J. Hairston ang 16 puntos, kabilang ang apat na 3s.
‘’At that point you’re sitting there saying, ‘OK, great game plan.’ You know?’’ sambit ni Van Gundy. ‘’But we stayed with it and we did a better job and they probably got a little tired as the game wore on and missed some shots. It ended up working out.’’
Naisakatuparan lamang ng Hornets ang 1 sa 13 3-pointers matapos ang intermission, kung saan ay umarangkada ang Detroit sa third, pinigilan ang Charlotte sa 29-14 sa nasabing quarter.
Napigilan si Jefferson sa 6-of-14 sa shooting.
‘’That was just a great team defensive night,’’ ayon kay Monroe.
Walang naisagot ang Hornets kay Monroe, tinipa ang 11 puntos sa third quarter.
Umiskor ang Pistons ng 50 puntos sa sahig at nakuha ang foul line ng 30 beses. Naisakatuparan dito ang 27.
‘’We were attacking the basket both on drives and post-ups,’’ dagdag ni Van Gundy. ‘’If you’re in the paint all the time then you have a chance to get to the line.’’