GERONA, Tarlac - Sadyang nakaaalarma ang pamemerhuwisyo ng tinaguriang Stone Throwers gang, makaraang apat na pasahero ng pinagbabato nilang Victory Liner bus ang nasugatan habang bumibiyahe sa highway ng Barangay Salapungan, Gerona, Tarlac, noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni PO2 Artem Balagtas ang mga nasugatan na sina Angelo Miguel, 18; Michael Tolentino, 24, ng Asingan, Pangasinan; Frederic Pineda, 34, ng San Manuel, Tarlac; at Charmline Tugadi, 13, ng Pamplona, Las Piñas City.

Bukod sa pagkakasugat ng apat na pasahero, nawasak din ang windshield sa kaliwa, likurang bahagi ng bus (CXB-416).
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20