Muli na namang rumatsada si Jinggoy Valmayor para pangunahan ang University of the Philippines (UP) sa paghakbang palapit sa pintuan ng Final Four sa ginaganap na UAAP Season 77 men’s football tournament.

Sa pamumuno ni Valmayor, tinalo ng Maroons ang University of Santo Tomas (UST) Tigers, 4-1, na ginanap sa FEU-Diliman pitch.

Dahil dito, naitaas pa ni Vlamayor ang kanyang league-best goal total sa 13 matapos makaiskor ng dalawang goals sa loob lamang ng 4 minuto bago mag-halftime kasunod sa mga naunang goals ng mga kakamping sina Carlos Monfort (44th) at Vincent Aguilar (45th).

Bunga ng panalo, mayroon na ngayong kabuuang 24 puntos ang UP, may 1 puntos na kalamangan sa pumapangalawang De La Salle na namayani naman kontra sa University of the East (UE), 1-0, na idinaos naman sa Moro Lorenzo Football Field sa Ateneo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang winning goal para sa Green Booters ay ikinasa ni Gerald Layumas sa ika-13 minuto.

Sa iba pang mga laro, nakatipon ng 22 puntos ang Ateneo de Manila para makopo ang ikatlong puwesto kasunod sa kanilang 2-1 panalo laban sa Adamson University (AdU) habang ginapi naman ng defending champion Far Eastern University (FEU) ang National University (NU), 5-1.

Mayroon na ngayong 21 puntos ang FEU habang nanatili namang may 17 puntos ang NU at tuluyan nang nawala sa kontensiyon ang Tigers na mayroon lamang 12 puntos.

Samantala, sa women’s division, tinalo ng title holder na FEU ang UP, 2-0, para ganap na makausad sa finals habang nanatili namang buhay ang pag-asa ng UST na makapasok sa finals sa pamamagitan ng 1-0 panalo kontra sa La Salle.