Masusing iimbestigahan ng binuong Task Force ang sinasabing pagpapakamatay ng isang lalaking Taiwanese na idinamay ang kanyang asawa at tatlo nilang anak sa San Juan City nitong Sabado.

Nais ni Senior Supt. Ariel Arcinas, hepe ng San Juan City Police, na alamin ni Chief Insp. Melchor Rosales ng Task Force Midland, kung ano ang tunay na pangyayari sa madugong insidente sa Midland 2 Subdivision sa Madison Street, Barangay Greenhills.

Ayon kay Arcinas, bagamat may natagpuang suicide note ay nais nilang malaman kung may foul play sa pagkamatay ng mag-asawang Luis at Roxanne Hsieh, at mga anak nilang sina Amanda, 19; Jeffrey, 14; at John, 12.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, matinding problema sa negosyo at umano’y pagkabaon sa itang ang itinuturong dahilan ng pagpapatiwakal ng negosyante.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20