Uusad ang imbestigasyon sa naganap na madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao, kung saan 44 commando ang napatay, kahit hindi dumalo si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada.

Ito ang binigyang diin ng Sandiganbayan Fifth Division matapos nitong ibasura ang kahilingan ni Estrada na payagan ng korte na makadalo sa pagdinig ng Mamasapano incident.

“We, thus, agree with the prosecution that the presence of accused Estrada in said investigation is not indispensable as the committees involved can still proceed with thier inquiry without his physical presence,” saad ng korte sa resolusyon na may petsang Pebrero 6 na isinulat ni Chairman Roland Jurado.

Napag-alaman ng korte na magsasagawa ng pagdinig ang dalawang komite ng Senado – Committee on Public Order and Dangerous Drugs, at Committee on Peace, Unification and Reconciliation.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa kabila nito, iginiit ng Fifth Division na ibinasura na nito ang mga unang mosyon ni Estrada na humihiling na isagawa ang pagdinig sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame kung saan ito nakapiit kaugnay sa kasong kinahaharap niya na may kinalalaman sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam.

“We find the instant motion to be similar in its objective to the one previously filed, hence we are just adopting the ration decidendi in the Resolution issued in the said incident,” pahayag ng korte.

“Accused- movant has not advanced any justifications which will convince the Court to depart from its previous ruling,” dagdag nito.