Pebrero 10, 1996 nang talunin ng IBM computer na “Deep Blue” ang world chess champion na si Gary Kasparov sa una sa anim na laro. Anim na milyong katao sa mundo ang sumubaybay sa laban gamit ang Internet. Sa bandang huli, nanalo si Kasparov sa laban, na may tatlong panalo at dalawang tabla at tumanggap siya ng $400,000 bilang premyo.
Habang nangyayari ang laban, binigyan ang mga manlalaro ng dalawang oras upang magawa ang 40 galaw, dalawang oras para sa susunod na 20 galaw, at isang oras upang tapusin ang laro. Ngunit sa rematch sa kaparehong computer noong 1997 ay natalo si Kasparov. Kaya ng “Deep Blue” na gumalaw ng hanggang 200 milyon kada segundo.
Isinilang si Kasparov noong 1963 at lumaki sa Baku, Azerbaijan. Itinanghal siya bilang pinakabatang chess champion sa mundo sa edad na 22 noong 1985.
Nakipaglaro uli si Kasparov sa computer program na “Deep Junior” noong 2003, at tabla ang laban. Makalipas ang dalawang taon, nagretiro si Kasparov sa paglalaro ng chess.