Malaysia Anwar

KUALA LUMPUR (Reuters) - Napatunayan ng pinakamataas na korte sa Malaysia na nagkasala si opposition leader Anwar Ibrahim sa mga kasong sodomy noong Martes sa kaso na ayon sa kanyang mga tagasuporta ay may bahid politika at nagwawakas sa kanyang karera.

Pinagtibay ng desisyon ng Federal Court ang hatol ng Court of Appeal noong Marso ng nakaraang taon, na napatunayan na ang 67-anyos ay nagkasala ng ‘sodomizing a former political aide.’

Daan-daang tagasuporta ni Anwar, na pinalilibutan ng mga pulis, ang nagtipon sa labas ng korte sa Kuala Lumpur at nagwagayway ng mga bandila ng partido at sumigaw ng “Down with Barisan Nasional”.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Inaalisan ng hatol ng karapatan si Anwar na maghawak ng puwesto sa gobyerno at tumakbo sa susunod na halalan sa 2018.

Binatikos ng Human Rights Watch ang tinawag nitong “selective persecution” kay Anwar.

Isinantabi ng gobyerno ni Prime Minister Najib Razak ang anumang suhestyon ng pakikialam.”Malaysia has an independent judiciary, and there have been many rulings against senior government figures,” saad sa pahayag ng gobyerno matapos ilabas ang desisiyon.