GERONA, Tarlac - Halos maligo sa sariling dugo ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang armado ang sinasakyan nilang Suzuki Raider motorcycle, na ikinamatay ng isa sa kanila sa Romulo Highway sa Barangay Calayaan, Gerona, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Christian Rirao ang nasawi na si Billy Joe Capitulo, 19, ng Bgy. Iba, San Jose, na malubhang nabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang grabe naman ang lagay sa ospital ng kaangkas niyang si Melchor Ancheta, 20, estudyante ng Tarlac College of Agriculture (TCA) sa Camiling.

Iniimbestigahan pa ng Gerona Police ang motibo sa pananambang.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20