SAN FERNANDO, La Union - Arestado ang isang lalaki at ang kanyang kinakasama matapos silang magpanggap na mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para makapangikil sa mga drug personality sa San Fernando City, La Union.

Ayon kay Insp. Vanessa Gabot, ang nadakip ay si Federico Gaspar Jr. at ang ka-live-in nitong si Hilda Dauz, alyas Nicole Ubongen.

Nagpanggap umanong PDEA agent si Gaspar at nagpakilalang Major Gaspar at pinupuntahan ang mga drug personality para kotongan ng malaking halaga kapalit ng iniaalok niyang proteksiyon.

Nilinaw ng pulisya na si Gaspar ay hindi lehitimong kasapi ng PDEA at ng ano pa mang law enforcement agency.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon