Panagbenga

Sinulat at mga larawang kuha ni Zaldy Comanda

MAKULAY at magarbong kasuotan at nakakaindak na mga tugtugin ang ipinamalas ng 12 elementary school contigents sa drum and lyre street dancing competition, kasabay ang malamig na panahon sa pagbubukas ng 20th Panagbenga o Baguio Flower Festival 2015, noong Pebrero 1.

Ang Panagbenga ang tinaguriang pinakamalaking crowd drawer at mother of festivals sa Northern Luzon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ngayong taon, sa tema na “20 years of blossoming togetherness,” ay ipapakita ang pagkakaisa at partisipasyon ng mga komunidad sa rehiyon ng Cordillera, lalung-lalo na ang mga sektor sa karatig-bayan ng Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablan-Tublay-Tuba (BLISTT).

Damang-dama ng mga manonood ang malamig na klima ng panahon na bumaba sa 11.3 degree Celsius ang temperatura nang simulan ang pagbubukas ng Flower Festival, pero pinainit naman sila ng mga nakakaindak na tugtugin mula sa 12 elementary schools drums and lyres sa street dancing competition habang suot ang makukulay na costume.

6

Ang 12 participants ay ang Baguio Central Elementary School, Don Mariano Elementary School, Dona Aurora Elementary School,Elpidio Quirino Elementary School, Emilio Aguinaldo Elementary School, Josefa Carino Elementary School, Jose P. Laurel Elementary School, Kias Elementary School, Lucban Elementary School, Quezon Hill Elementary School, SPED Center at ang defending champion na Mabini Elementary School.

Pagkatapos ng parade, ang 12 participants ay muling tutugtog kasabay ang makabagong sayaw ng marjorettes sa Athletic Bowl at siyam sa kanila ang napili sa elimination round para lumahok sa grand street dancing parade ng mga high school at kolehiyo sa Pebrero 28, kasabay ang pagpili sa magiging grand champion ng bawat category.

Sa elimination round, ipinahayag ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. (BFFFI) ang siyam na nanalo na muling magpapakita ng makabagong estilo sa drum and lyres at dancing at ang mga ito ay ang Baguio Central Elementary School, Baguio SPED Center, Dona Aurora Elementary School. Emilio Aguinaldo Elementary School, Jose P. Laurel Elementary School, Josefa Carino Elementary School,Kias Elementary School, Lucban Elementary School at ang defending champion na Mabini Elementary School.

Ang grand street dancing parade ay magaganap sa Pebrero 28 at ang kinagigiliwang Flower Floats parade ay sa Marso 1, na parehong magsisimula ng alas 8:00 ng umaga.