Pebrero 9, 1555 nang sinunog nang buhay si Bishop John Hooper ganap na 9:00 ng umaga sa lungsod ng Gloucester sa England, dahil sa maling pananampalataya. Isa siya sa mga unang obispo na Protestante na nahatulan ng kamatayan, at halos 7,000 katao ang nanood habang unti-unti siyang natutupok sa St. Mary’s Street.

Madaling araw nang araw na iyon ay nagdasal si Hooper. Ganap na 8:00 ng umaga ay dinala siya ng mga armadong tauhan ng sheriff sa lugar na roon siya susunugin. Ang kilalang-kilalang si Queen Mary I ang nag-utos na silaban si Hooper sa sarili nitong diyosesis.

Isang tapat na protestanteng mananampalataya, mariing sinalungat ni Hooper ang iba’t ibang gawaing Katoliko, at nagbitaw ng matatapang na pahayag kaugnay nito. Bilang isang obispo, natuklasan niya na ang ilan sa nagsisilbi sa kanyang simbahan ay walang alam sa Sampung Utos, sa dasal na Ama Namin, at sa Sumasampalataya. Dahil dito, nagpursige siyang mangaral ng tungkol sa relihiyon. Ang resulta, minahal siya ng mamamayan sa kanyang bayan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho