jake ejercito

PAGKATAPOS mag-post ni Maria Jerika Ejercito ng saloobin niya laban kay Kris Aquino ay sinundan naman iyon ng kapatid niyang si Jake Ejercito ng, “I’ll give up on life if PNoy mentions his parents again.”

Hindi nagustuhan ng anak ni President Mayor Erap sa dating aktres na si Ms. Laarni Enriquez ang pagbanggit parati ni Presidente Noynoy Aquino sa magulang niyang sina Sen. Benigno Aquino at dating Presidente Corazon Aquino sa speeches niya.

Katulad ni Jerika ay marami ang nag-react sa post ni Jake na may mga umayon pero mas marami ang nagalit.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Naawa nga kaming bigla kay Jake dahil below the belt ang mga komento sa kanya ng netizens at nadadamay tuloy ang tatay niya.

Komento pa ng netizens, bakit daw silang magkapatid (Jerika) ay kung anu-ano ang sinasabi samantalang ang ibang mga anak daw ni President Mayor Erap na sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. JV Ejercito, Jackie at Jude ay wala naman daw ipino-post laban sa magkapatid na Aquino?

Tinatanong tuloy si Jake kung nagbabayad ba sila ng tax at pinagdududahan pa baka nga raw ang ginagastos ng magkapatid ay galing sa taxpayers lalo na si Jake na wala raw ginawa kundi mag-party base na rin sa posts nito sa social media kasama ang mga kaibigan.

In fairness, may business naman ang Mommy Laarni nina Jerika at Jake.