BAUANG, La Union – Isang hinihinalang miyembro ng grupong gun-for-hire at suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang miyembro ng Sangguniang Bayan sa Bacnotan ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Bauang Police, Bacnotan Police at iba pang law enforcement unit sa Cesmin Beach Cottage sa Barangay Pagdalagan Sur sa Bauang, La Union.

Kinumpirma kahapon ni Senior Supt. Ramon Rafael, La Union Police Provincial Office director, ang pagdakip sa wanted na si Robert Cardenas, may asawa, ng Butubot Norte, Balaoan, La Union, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Carlito Corpuz ng Regional Trial Court (RTC) Branch 27, San Fernando City, sa kasong murder.

Si Cardenas ang sinasabing gunman sa pagpatay sa Sangguniang Bayan member na si Onofre Almojuela ng Bacnotan.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20