TUWING ikalawang Linggo ng Pebrero, masaya at makulay na ipinagdiriwang ang kapistahan ng Morong, Rizal. Isang tradisyon ng bayan na natatangi, makahulugan pagkat panahon ito ng reunion ng pamilya at mga kaibigan. Ang pista ngayon ng Morong ay pang-437 taon na. Ayon kay Morong Mayor Mando San Juan, ang pagdiriwang ng kapistahan ay pasasalamat sa Diyos sa patnubay ng kanilang patron na si Saint Jerome.

Inihudyat ang selebrasyon mula noong Enero 30 ng iba’t ibang aktibidad tulad ng Kaskas Arkong Kawayan Festival, parada, street dancing ng mga kabataan sa walong barangay ng Morong. Sinundan ng paligsahan sa pag-awit, cultural presentation ng mga mag-aaral at guro ng University of Rizal (URS) Morong campus ng drum and lyre exhibition, ng Gabi ng taga-DepEd, Morong National High School at ng Jesus My Sheperd Montessori. Tampok din sa pagdiriwang ang parangal at koronasyon ng mga lumahok sa Bb. Morong 2015.

Sinasabing ang salitang Morong ay hango sa pangalang ‘Moro’ na isang matapang na mandirigma na namuno sa isang barangay sa paanan ng bundok ng Sierra Madre. Nang lumaon, ang barangay ay tinawag na Morong bilang pagkilala at pagkilala sa nasabing lider-mandirigma. Naging Kristiyano naman ang mga taga-Morong noong 1578-1583 nang magmisyon ang dalawang pari na sina Padre Juasn de Plasencia at Diego de Oropesa. Kasabay ng pagtatayo ng makasayayang simbahan ng Morong ang pagpapahalaga sa mga namanang tradisyon at kultura ng bayan ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyang panahon.

Naging kabisera o kapital ng mga bayang karatig ang Morong noong 1853 nang itatag ang Distrito Politico Militar de Morong. Naging isang bayan naman ng Rizal nang pagtibayin noong Hunyo 11, 1901 ng Philippine Commission ang panukala ni Don Juan Sumulong, ng Antipolo na maging lalawigan ng Rizal ang Distrito Politico Militar de Morong. Ang pangalang Rizal ay iminungkahi ni Dr. Trinidad Pardo De Tavera, isang matalino makabayang Pilipino na kaibigan nina Don Juan Sumulong, Dr. Jose Rizal at Epifanio Delos Santos. (sa kanya ipinangalan ang EDSA o Epifanio de los Santos Avenue).  Sa bayan ng Morong, isinilang ang unang bayaning Pilipino ng Unang Digmaang Pandaigdig na nagpakita ng pagtatanggol sa demokrasya na si Tomas Claudio. Ang pangunahing lansangan sa Morong ay ipinangalan kay Tomas Claudio bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3