Kyla

NITONG mga nakaraang buwan, suking-suki ni Kris Aquino na i-guest ang Kapuso singer na si Kyla. Hanggang sa nagkaroon ng espekulasyon na posibleng lumipat na rin ang singer sa ABS-CBN.

True enough, may source kami na nagbalita sa amin na nakipag-usap na si Kyla sa Cornerstone Talent Management Center, ang partner company ng Star Records na  humahawak sa singing  career nina Erik Santos, Angeline Quinto at Yeng Constantino, atbp. Kaya anytime ay may magaganap nang contract-signing kina Kyla at Cornerstone head na si Erickson Raymundo.

Kaya pala last Sunday,  in-announce ni Kyla sa Sunday All Stars na iyon na ang huli nitong performance  sa Sunday variety show ng GMA-7. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ayon kay Kyla, maayos siyang nakipag-usap sa GMA at ang idinahilan niya ay career development.

“I feel really great about my decision, and I didn’t burn any bridges naman. I’m still friends with everybody, maganda ’yung closure and they’re all very happy for me,” sabi ng mahusay na singer.

May plano na ba sa kanya ang ABS-CBN management kung saang programa siya ilalagay.

“Hindi ko pa po alam exactly kung ano ‘yung mga gagawin ko du’n, but I know for sure, I’ll be on ASAP,” deklara niya.