Kabuuang 360 atleta ang napasama sa pambansang delegasyon matapos na pumasa sa itinakdang criteria ng Team Philippines Southeast Asian Games Management Committee para sa paglahok sa 28th SEA Games na gaganapin sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16.

Matapos ang pakikipagpulong noong Miyerkules ng hapon sa 33 national sports associations, ipinaalam agad ni Team Philippines Chef de Mission Julian Camacho na umabot sa 360 ang napabilang sa koponan na sasabak sa kada dalawang taong torneo.

“It will have to be sent for approval to the Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board,” sabi ni Camacho.

Ipinaliwanag ni Camacho na ang bilang ay kinabibilangan ng mga nakapag-uwi ng medalya sa nakalipas na Myanmar SEA Games, nagwagi sa internasyonal na torneo at mga miyembro ng national pool na nakapagpakita ng kanilang kakayahan na makapagbulsa ng mga medalya.  

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

 “The list include team sports, including the volleyball team. After na ma-approved ay ipapasa na ang listahan sa SINGSOC,” giit ni Camacho. “We will have a meeting next week para makapagsimula na tayo sa training and preparation,” dagdag ni Camacho.

Magsasagawa uli ng pulong ang ManCom kung saan ay ipapaliwanag ng mga opisyal ang huling paghahanda ng pambansang delegasyon at maging ang sistematikong preparasyon ng SEA Games Task Force para sa aktuwal na pagsabak ng delegasyon.  

Asam ng Pilipinas na makaangat sa pinakamababang kampanya sa huling paglahok sa pangrehiyon na torneo kung saan ay nakapag-uwi lamang ang Pilipinas ng 24 ginto, 34 pilak at 38 tanso para sa kabuuang 101 medalya sa pagsabak sa 167 events ng 26 na sports.