Ang Pebrero ng bawat taon ay National Arts Month, alinsunod sa Presidential Proclamation No.693 na inisyu noong 1991. Ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang pangunahing ahensiya para sa pagdebelop at preserbasyon ng sining at kulturang Pilipino, ang nangunguna sa ika-24 selebrasyon ngayong taon na kinatatampukan ng maraming kapistahan bilang pagkilala sa mahahalagang kontribusyon ng mga artistikong likha sa pagpapayaman ng pamanang kasaysayan at kultura ng bansa. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang Philippine Arts Festival, kung saan nagtitipun-tipon ang iba’t ibang alagad ng sining at mga cultural worker sa buong bansa.
Ang Call for Proposals: 2015 National Arts Month celebration ay nakatuon sa pagtataguyod ng lokal na kultura at sining sa pamamagitan ng mga kapistahan sa mga rehiyon, tampok ang mga talento, mga pagtatanghal, at pagkamalikhain ng maraming alagad at grupo ng sining sa pitong disiplina ng sining - architecture and allied arts, cinema, dance, dramatic arts, literature, music, at visual arts (kabilang ang multi-disciplinary arts).
Ipinagdiriwang sa mga kapistahan ang mga bunga ng malikhaing pagsisikap para sa nakaraang taon at sa pagtanaw sa mas mayaman, mas mabungang susunod na mga taon para sa pagsulong ng masining na estilo ng pagpapahayag na taglay ng malikhaing imahinasyon ng Pilipino, ayon sa NCCA.
Mula noong 1991, pinangungunahan na ng NCCA ang mga aktibidad sa Metro Manila hanggang lumaganap ito sa mga rehiyon. Ang events ng National Arts Month ay idinaraos sa iba’t ibang lungsod at lalawigan, hinihimok ang mga lokal na leader na magbalangkas ng saril nilang programa sa komunidad bilang suporta sa mga pagsisikap para sa pamumukadkad ng mga sining.
Ang Philippine Arts Festival, na nagkakaloob sa loob ng maraming taon ng isang ani para sa sining, nagdaraos ng taunang mga aktibidad sa pakikipag-agapayan ng publiko at mga pribadong ahensiya, na binubuo ng mga workshop, exhibit, forum, at pagtatanghal.
Ang Ani ng DAngal ay iginagawad ng gobyerno sa isang Pinoy artist o grupo na nagtamo ng pangunahing parangal sa alin man sa pitong disiplina sa international events, ay itatampok sa pangwakas na seremonya ng festival.
Ang mga lokal na pamahalaan, paaralan, at mga art organization ay makikibahagi sa selebrasyon ngayong taon. Hinihimok sila na magpanukala ng localized community criteria: pagiging orihinal ng konsepto, innovative artistic treatment, interaksiyon sa iba’t ibang anyo ng sining, pagsalamin sa lokal na kultura, pagtataguyod sa mga lokal na alagad ng sining at arts group, pagkilala sa mga tagumpay ng mga local artist, pagtataguyod ng mga lokal na malikhaing industriya, implementation venue sa mga espasyo sa publiko, at pagiging bukas ng proyekto sa publiko.
Ang premyadong produksiyon na may makabagong anyo at mahahalagang tema na nagpapalalim sa pagpapahalaga ng kultura at sining ng Pilipino at mga proyektong nagpapakita ang katutubo at malikhaing industriya ay hinihimok na lumahok.