Hindi sumagi sa isipan ko ihambing ang “Press Conference” ni PNoy, tuNgkol sa naganap na MILF ambush-massacre sa PNP-SAF, sa isang asawa na umuwi ng umaga at nagdadrama sa harap ng kanyang misis. Nagpapaliwanag kung anong nangyari, sinong kasama, saan nagpunta atbp. Habang nakapameywang ang ginang, lahat ng palusot gamit ng mister. Pati paninisi sa mga kaibigan dahil nagkayayaan na napunta sa pambubuyo, kahit sabihing siya naman ang nagmamaneho ng kotse. Siyempre, sa ganitong mga kuwento, laging pinapalitaw na may kasalanan ay ang kaibigan. Ang buntong hiningang tapunan ng sisi, barkada ulit.

Tulad iyan sa ibig palitawin ng Palasyo na dapat gilitan ng madlang-pipol sa kapalpakan sa Mamasapano, Maguindanao itutok kina suspendidong PNP Chief Alan Purisimo at SAF Commander Getulio Napenas. Bobo lang ang papayag sa ganitong diskarte. Sundan natin ang bakas: (1) Bakit hindi alam ni PDG OIC Leonardo Espina at DILG Secretary Mar Roxas ang tinaguriang ‘Operation Wolverine’ sa pagdakip sa dalawang terorista? (2) Sinong Pontio Pilato na mas mataas kay Secretary Roxas ang maaaring mag-utos na huwag ipaalam ni SAF Commander Napenas kay Espina at Roxas ang nasabing ‘operation’. (3) May tinaguriang “chain of command” na tinatalima ang PNP, ibig sabihin sino ulit ang nagsuspinde sa nasabing reglamento upang huwag ipairal ito mula kay Napenas paakyat kay Espina, papunta kay Roxas? (4) Kung suspendido si PNP Chief Alan Purisima, ibig sabihin wala siyang poder/lakas na mag-utos ng kahit anong pagkilos ng tropa. Liban, kung ginawaran siya o binasbasan ng nakatataas ng “kapangyarihan” na pangunahan ito? (5) Sa dami ng PNP SAF na halos 300 daan na kinalap mula Manila at ibang parte ng bansa, isinakay, pinondohan, atbp. amoy ni Napenas at Purisima lang ba ito? O mas mataas? (6) Hindi ba kagawian ni PNoy na magmonitor ng mga ganitong operation? Hal. Luneta Hostage taking, Zamboanga Siege? (7) Nang humingi ng saklolo ang SAF sa AFP sino ang pumigil nito na magpadala ng reinforcement?

Di ba SOP na yung tatawag sa chain of command ang Army upang humingi ng permiso para kumilos. Hindi pinayagan ng OPAP (Deles?) dahil daw lalaki ang gera, mga mamamatay, at higit, mababasura ang BBL at peace process. OPAP na daw mamamagitan. Habang minamasaker ang SAF.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists