AMMAN (Reuters)— Binitay ng Jordan sa pamamagitan ng pagbigti ang isang nakakulong na babaeng Iraqi na ang kalayaan ay hiniling ng grupong Islamic State sinunog naman hanggang mapatay ang isang pilotong Jordanian, sinabi ng security source noong Miyerkules.

Bilang tugon sa pagpaslang sa piloto, na ang pagkamatay ay inihayag noong Martes, binitay din ng Jordanian authorities ang isa pang senior na presong al Qaeda na nahatulan ng kamatayan sa pagplano ng mga pag-atake laban sa maka-Kanlurang kaharian sa nakalipas na dekada.

Si Sajida al-Rishawi, ang militanteng babaeng Iraqi, ay hinatulan sa kanyang papel sa isang suicide bomb attack noong 2005 na ikinamatay ng 60 katao. Si Ziyad Karboli, isang Iraqi al Qaeda operative, nahatulan noong 2008 sa pagpatay sa isang Jordanian, ay binitay noong madaling araw, ayon sa source.

Sinabi ng Jordan, nagsasagawa ng mga air raid sa Syria bilang bahagi ng alyansang pinamumunuan ng US laban sa mga militanteng Islamic State, na magiging “strong, earth-shaking and decisive” ang tugon nila sa pagpatay sa pilotong si Mouath al-Kasaesbeh.
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands