FOLLOW-UP ito sa nasulat namin tungkol kay Jasmine Curtis Smith na nag-guest sa Aquino and Abunda Tonight noong nakaraang Huwebes para sa promo ng Halik Sa Hangin na kasalukuyang palabas ngayon.

Jasmine Curtis SmithTinext namin ang manager ni Jasmine na si Ms. Betchay Vidanes kung nagpaalam sa TV5 ang aktres dahil nga exclusive contract siya ng Kapatid Network pero hindi kami sinagot.

Nagtanong naman kami sa executive producer ng A&A na si Ms. Nancy Yabut tungkol kay Jasmine at nabanggit nga na promo nga raw ng Halik Sa Hangin.

Inisip namin na baka pinakiusapan ng Star Cinema si Jasmin kaya napapayag siyang mag-promote sa A&A.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

At nang makatsikahan nga si Jasmine ng entertainment press na nag set visit sa programa niyang Move It! Clash of Streetdancers sa TV5 ay nabanggit niyang nagpaalam siya.

“Siyempre, ipinaalam din naman po at pinayagan po, thankful for both networks for allowing me to do it.

“Siyempre hindi naman po madali ‘yun, lalo na ‘pag exclusive contract star ka, di ba, sa isang network. Thankful naman ako na kahit papa’no, pinapayagan ako pareho.

“Like, iniimbitahan ako ng ABS-CBN, pinapayagan ako ng TV5, it’s two teams working hand in hand.

“And kahit na there’s a network war, in terms of letting your artists grow as an individual, nagagawa ko pa rin ‘yun,” paliwanag ng dalaga.