TARLAC CITY - Nahaharap ngayon sa kasong qualified theft ang isang cashier sa Villarica Pawnshop matapos niya umanong tangayin ang perang iniingatan ng establisimyento sa F. Tanedo Street, Tarlac City.

Sa ulat kay acting Tarlac City Police chief Supt. Felix Verbo Jr., ang kinasuhan ay si Rechell Cristobal, nasa hustong gulang, ng Sapang Bayan, Calumpit, Bulacan.

Nawala umano mula sa pag-iingat ni Cristobal ang P19,399.91 na pinaniniwalaang nagamit nito bilang personal na panggastos.

Natuklasan ang nawawalang pera sa auditing sa Tarlac Branch 1 ng Villarica Pawnshop, at nang kausaping mabuti ni Rowena Soriano, branch manager ng Villarica Pawnshop, ay inamin ni Cristobal na kinuha niya ang pera.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20