Jasmine Curtis Smith

SEOUL, Korea - Sunud-sunod ang mensaheng natanggap namin noong Huwebes ng gabi habang umeere ang Aquino and Abunda Tonight dahil special guest daw si Jasmine Curtis Smith sa programa para sa promo ng Halik Sa Hangin na kasalukuyang palabas ngayon.

Mabuti raw at pinayagan ng TV5 si Jasmine na exclusive contract nila at kasalukuyang may umeereng programa, ang Move It, Clash of the Streetdancers.

Hindi namin napanood ang nasabing episode ng A&A dahil wala kami sa bansa pero kinumpirma ni Bossing DMB na nag-guest nga raw ang dalaga at may na-PM din sa amin na maganda nga raw ang outcome at exposure ni Jasmin.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pero hindi ito ang unang guesting ni Jasmin sa ABS-CBN, napanood na siya noon pa sa It’s Showtime.

At sa pagkakaalam din namin ay pinapayagan ng TV5 management ang mga artista nilang mag-guest sa ibang TV network maliban na lang kung nabago na.

Anyway, hindi man si Jasmine ang bida sa Halik Sa Hangin ay may mahalagang papel naman siya kaya na-reveal ang pagkatao ni Gerald Anderson kay Julia Montes kaya siguro pinakiusapan siya ng Star Cinema na mag guest sa Aquino & Abunda Tonight.