Joshua Davis of Meralco was fouled going to the basket by KIA Carnival's Mike Burtscher as Kenneth Ighalo tries to help during PBA action at CUneta Astrodome.   Photo by Tony PIonilla

Mga laro ngayon: (Binan, Laguna)

3 p.m. – Blackwater vs Talk ‘N Text

5:15 p.m. – Barangay Ginebra vs Barako Bull

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

BINAN, Laguna– Ipamamalas ni Gilas Pilipinas center Marcus Douthit ang importanteng pagbabalik sa Philippine Basketball Association ngayon habang target ng Barako Bull, kasama ang Talk Text, ang pagsalo sa 3-team leader sa Commissioner’s Cup laban sa enigmatic Barangay Ginebra San Miguel.

Magiging punong-abala ang Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna sa magaganap na bakbakan sa pagitan ng Blackwater Elite, kinuha ang serbisyo ng 7-foot naturalized Philippine team player bilang stand-in import, at Talk ‘N Text sa ganap na alas-3:00 ng hapon at susundan sa paghaharap ng Barako Bull Energy kontra sa Barangay Ginebra Kings sa ganap na alas-5:15 ng hapon.

Sariwa pa ang TNT at Barako Bull sa pagwawagi at posibleng makisalo sa hot-starting Meralco Bolts sa liderato kung mapapagtagumpayan ang laro.

Pinataob ng Tropang Texters ang Rain or Shine, 89-86, habang dinispatsa ng Energy ang import-less na Elite, 92-70.

Kakailanganin ng Tropang Texters na maibalik ang pamilyar na galaw sa kanilang pagtatagpo ng Elite.

Ito ang masamang panimula para sa 7-foot import na si Chris Charles, na na-injured matapos ang ginanap na scrimmage ng Elite kasama ang Globalport, bago ang pagsisimula ng kanilang laro laban sa Barako Bull, kaya’t napilitang katukin ng Blackwater si Douthit.

Nasorpresa sa ‘di inaasahang pagtawag sa kanya sa telepono, ang dating Los Angeles Laker at longtime Gilas Pilipinas player na noon ay pinalibutan ng intriga ay agad na sumang-ayon kung saan ay ‘di nagsayang ng oras ang Elite upang siguruhin ang approval ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at ng International Basketball Federation (FIBA).

Sadyang tinutukan ng Blackwater ang lahat lalo pa at dumating sa bansa si FIBA secretary-general Patrick Baumann may ilang araw na ang nakalipas para pag-usapan ang assessment ng FIBA Evaluation Commission sa paghahanda ng Pilipinas bilang punong-abala sa 2019 World Cup, habang si SBP president Manny V. Pangilinan, siyang gumabay sa mga programa ng Gilas, ay wala namang naging objection.

At ‘di naman nasayang ang pagpapagod ng Blackwater kung saan ay nakakuha sila ng green light upang madaliang hugutin si Douthit, pansamantalang nakita sa aksiyon sa Air21 Express noong 2013 at Gilas sa 2014 Incheon Asian Games, na ngayon ay tututukan ang panibagong pagsubok kontra sa Talk ‘N Text, na mismong pag-aari pa ni Pangilinan.

Inihayag ni Douthit sa Spin.ph na ‘di niya inaasahan na makapaglalaro uli sa PBA, at idinagdag nito na maibabalik ang kanyang porma na kanya nang nagawa sa nakalipas na laro.

“I am quite surprised, not very excited, to play in the PBA today. I had no intentions of playing in the PBA until 24 hours ago,” pahayag ni Douthit.

“But I’m used to it. That’s how my stint has been, being dumped into that kind of situation, so no surprise now. I haven’t played basketball for months, but I’ll try to bring back my old form. I am only 75 percent of my old self. But I’m trying to get it back.”

Ang mga kasalukuyang batch ng imports, kasama na ang nagbabalik na si TNT reinforcement Richard Howell, ay ‘di naman ikinabahala sa pagbabalik ni Douthit.

“I’m not worried about nobody out there. I’ve played against the best in the world, so there’s nobody out there that surprises me,” pahayag nito.